Inilantad ni First Lady Liza Marcos na tinulungan niya nang libre noon ang mga pro-Rodrigo Duterte vlogger na sina Sass Sasot at RJ Nieto nang makasuhan ng cyber libel pero sa bandang huli ay iniwan sila.
Sa exclusive interview sa kanya sa "Tune-in Kay Tunying", tinanong si FL Liza tungkol sa mga dating kasangga, na ngayon ay nagsasalita na ng masama laban sa kanyang pamilya.
Binanggit niya sina Sasot at Nieto na kinasuhan umano ng cyber libel at tinulungan ng kanyang law firm nang libre.
"You want me to mention names? For example, Sass… Sass and RJ, I met them because they were sued for cyber libel. So they came to me, pro bono," saad ni FL Liza.
Ayon sa unang ginang, nagtrabaho siya ng pro bono para sa mga vlogger sa loob ng tatlong taon hanggang sa "something happened".
"We went to court. She made a deal with the other side and took RJ away. Sabi ko, 'Teka muna, medyo makapal 'yan. Pro bono, three years, tapos you'll fire our law firm'," salaysay pa ni FL Liza.
"If you're happy that way, there's such a thing as karma," sabi pa niya.
Si Sasot ay kilala sa vlog na "For the Motherland-Sass Rogando Sasot" habang si Nieto ay kilala bilang "Thinking Pinoy".
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment