Naalarma ang ilang senador sa pagtaas ng red at yellow alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas grid sa magkasunod na araw.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi ito katanggap-tanggap dahil matagal at paulit-ulit na lamang ang panawagan sa Department of Energy (DOE) na bumuo ng contingency plan para masiguro na sapat ang suplay ng kuryente kapag bumagsak ang mga planta o magbawas ng kapasidad.
"Generation companies (Gencos) and other concerned stakeholders in the energy sector should adopt all relevant measures necessary to address the insufficient supply of energy especially now that we are experiencing the peak of the El Niño weather phenomenon," sabi ng senador.
Maliban diyan, sinabi pa ni Gatchalian na dapat maging "proactive" din ang DOE para mabawasan ang masamang epekto ng kapos na suplay ng kuryente.
Samantala, siningil naman ni Senador Grace Poe ang DOE sa pangako at pagtitiyak na may sapat na suplay ng kuryente ngayong taon sa kabila ng nararanasang El Niño sa bansa.
Nauna na ring nanawagan ang Meralco para sa pagpapatayo ng mga karagdagang power plant sa Luzon at Visayas.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment