Hindi talaga matawaran ang galing sa pag-arte nina Marco Gallo at Heaven Peralejo sa bago nilang pelikula sa Viva Films na "Men Are From QC, Women Are From Alabang"
Sa katatapos na premiere night ng nasabing pelikula ay dinumog ang dalawa ng kanilang mga fans at ilang kaibigan sa showbiz para suportahan ang kanilang pelikula.
Level up na talaga ang maturity ng kanilang loveteam dahil they portrayed the characters of Aica (Heaven) bilang isang masipag at maabilidad na office girl, at si Tino (Marco) na isang graphic artist na may kaya sa buhay pero mas piniling mag trabaho sa ibang kompanya kaysa sa kompanya ng kanyang pamilya.
Istorya ito ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana sa kanilang pinagtatatrabahunan at na develop ang kanilang relationship. Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamahalan ay susubukin sila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Hadlang nga ba ang layo ng kanilang mga tirahan sa kanilang pag-iibigan? Yan ang tanong na sasagutin sa pelikulang ito
Magaling ang pagkakagawa ni Direk Gino Santos ng pelikula dahil nailabas niya ang galing nina Marco at Heaven sa pelikulang ito. Hindi na pa tweetums ang mapapanuod kina Heaven at Marco rito dahil mas matured na karakter na kanilang ginampanan. Sa kabila ng pag portray nila ng matured karakter rito ay nakikita pa rin ang magandang chemistry nilang dalawa.
Sa mga nais mainlove, panuorin nyo ang pelikulang "Men Are Fron QC Women Are From Alabang" na nagsisimula ng ipalabas in more than 132 cinemas nationwide.
No comments:
Post a Comment