Binatikos ng Power for People Coalition o P4P ang Department of Energy (DOE) na kulang sa pagplaplano kaya't panay na naman ang red at yellow alert ngayong linggo sa Luzon at sa Visayas.
Sabi ni P4P Convenor Gerry Arances, maiiwasan naman ang mga power crisis kada taon kung inaayos ang problema at nagsusulong ng mga renewable energy sources imbes na mga mahal na gas plant.
Aniya, sa halip na magpakumbaba at kilalaning hindi epektibo ang ginagawa nito, pinili pa ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ipagtanggol ang pagtaas ng presyo ng kuryente.
"The DOE is mandated to provide affordable and reliable electricity for Filipinos instead of opening the doors to the promised solution of renewable energy, Secretary Lotilla is acting as the greatest salesman for a power source that is expensive and whose supply is subject to world events such as the Russian invasion of Ukraine," sabi ni Arances.
Dagdag pa niya, mas hinihikayat pa ni Lotilla ang mga kompanyang namumuhunan sa gas.
Paalala ni Arances kay Lotilla na hindi na ito executive ng power company na ang layunin ay kumita ng malaki dahil interes na ng bayan ang kanyang dapat tinututukan bilang kalihim ng DOE.
Sabi ni Arances, ang problema kay Lotilla ay mas nahihikayat ang mga plantang tumirik dahil sa ganitong pagkakataon sila kumikita ng pinakamalaki.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment