May sakit daw ngayon at naka-confine ang komedyante at dating "Goin Bulilit" star na si Romy Pastrana o mas kilala bilang Dagul.
Sa latest episode ng "Showbiz Updates" nitong Linggo, Abril 28, iniulat ni showbiz insider na si Ogie Diaz ang tungkol sa kalagayan ng komedyante.
"Si Dagul ay naka-confine ngayon sa Philippine Heart Center at in fairness naman, tinutulungan naman siya ng mga senador, ng mga kakilala niya, 'yong mga gurantee letter," lahad ni Ogie.
"Pero hindi naman lahat kayang tugunan ng gurantee letter. So, kailangan pa rin nila ng pondo para sa paggaling ni Dagul," aniya.
Dagdag pa ni Ogie: "Sabi nga ng kaniyang anak na si Jkhriez e two weeks na raw do'n si Dagul—ang kaniyang Papa—at maraming test na isinasagawa sa kaniya."
Bukod sa namuong dugo sa baga at pneumonia, sinusuri rin umano ang puso ni Dagul dahil tila lumalaki raw ito.
Kaya naman, sa mga nais na tulungan ang komedyante ay maaaring magpadala ng anomang halaga sa sumusunod na BDO account: Romy Aspan Pastrana – 007348003301
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment