Daily Mail PH

Friday, April 19, 2024

“Nasa P9.68B lang at hindi P13 bilyon ang bulto-bultong droga na nasabat sa Batangas”- PNP SPOX COL. JEAN FAJARDO

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nasa 1.4 tonelada lamang o P9.68 bilyong halaga ng crystal meth, na tinatawag na shabu, ang nasabat ng mga tauhan nito sa bayan ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas noong Abril 15 batay s…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

"Nasa P9.68B lang at hindi P13 bilyon ang bulto-bultong droga na nasabat sa Batangas"- PNP SPOX COL. JEAN FAJARDO

Headlines Ngayon

April 20

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nasa 1.4 tonelada lamang o P9.68 bilyong halaga ng crystal meth, na tinatawag na shabu, ang nasabat ng mga tauhan nito sa bayan ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas noong Abril 15 batay sa opisyal na bilang nito.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang ulat na ang halagang P13 bilyon na ibinigay nung una ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay pagtatantya lamang.

"Yung almost 2 tons na ibinigay was just an initial estimate of PDEA na base sa itsura at laman ng sako pero wala pa pong actual counting na nangyari doon," ani Fajardo sa isang phone interview.

"Then nung matapos po 'yung inventory kahapon, ang nabilang na lahat ng laman ng sako it turned out na nasa 1.4 tons po yung official count ng mga illegal drugs," dagdag pa ng opisyal.

Sinabi rin ni Fajardo na ang inilabas na numero ng Batangas police ay hindi isang corrected version, dahil isinara niya ang anumang implikasyon na maaaring nabawasan na ang mga nakumpiskang narcotics.

Ibinunyag niya na isinagawa ng PNP ang pagbibilang ng droga sa loob ng dalawang araw matapos itong ma-intercept, habang kinumpirma ng PDEA testing na shabu nga ang mga narcotics.

Batay sa ulat ng pulisya na inilabas niya sa media noong Miyerkules, isang lalaking suspek ang inaresto sa checkpoint operation at sumailalim na sa inquest proceedings noong Martes matapos siyang kasuhan ng paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sinabi ni Fajardo na nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nasabat na iligal na droga, habang nakakulong ang suspek sa Batangas Police Provincial Office.

Kasunod ng resulta ng opisyal na pagbibilang, lumabas sa mga talaan na ang P9.68 bilyong drug bust na ito ang pangalawang pinakamalaking paghakot ng droga matapos ang pagkakakumpiska ng P11 bilyong halaga ng shabu na nakuha sa 1,589 tea bags na nasabat sa Infanta, Quezon province, noong Marso 2022.

Bukod sa mga ito, nasabat din ng mga awtoridad ang 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at April 19, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • How can the Rappler app be better? We'd like to know what you think!
    Hi daily! Have you downloaded the Rappler app? We'd love to hear about ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.