Nangako ang Isla Lipana & Co. na lubos itong makikipagtulungan sa imbestigasyon laban sa Maria Francesca Tan (MFT) Group of Companies Inc. na nahaharap ngayon sa reklamong kriminal na isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa diumano'y pakikipagsabwatan nito sa kliyente na ikinalugi ng mga investor.
Sa isang pahayag, sinabi ng Isla Lipana na tanging ang MFT Group of Companies Inc. lamang ang kanilang kliyente. Paliwanag ng audit firm, nasa pangalan lamang ng MFT ang Group of Companies ngunit hindi kasama sa audit nito ang mga kompanyang nasa ilalim ng grupo.
"We shall fully cooperate with the pending investigation," sabi ng Isla Lipana.
Paliwanag ng Isla Lipana, "we are auditing that company as a standalone entity and we are not auditors of any other company within the group, or the group in general."
Dagdag ng audit firm, ang huling report nito para sa MFT Group of Companies Inc. ay para sa audit year 2021 at hindi pa ito nag-iisyu ng report para sa 2022 at 2023 dahil kinukumpleto pa ang kanilang audit procedures.
Ang Isla Lipana ang Philippine member firm ng global network na PricewaterhouseCoopers (PwC) na nahaharap ngayon sa imbestigasyon sa China at Hong Kong dahil sa kaugnayan nito sa Chinese real estate developer na China Evergrande Group na nabangkarote na.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment