Isang mataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang dumaan sa EDSA Busway at lumabag pa sa number coding.
Base sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakiusap na huwag nang banggitin ang pangalan ng hinuli kung saan ito ay may posisyong assistant secretary sa DOTr.
Ang nakiusap na opisyal na hindi na kilalanin ay dumaan sa EDSA Busway na lulan ng isang SUV.
Nang sitahin ito, nagpakilala itong Assistant Secretary ng DOTr at may exemption umano sa EDSA Busway.
Gayunman, may paglabag pa rin ito sa number coding at may multang P500.
Hindi natiketan ang opisyal sa pagdaan sa busway dahil sa iprinisentang exemption mula sa DOTr.
Partikular na nasita ng mga tauhan ng Highway Patrol Group at MMDA ang opisyal sa northbound ng EDSA Busway sa bahagi ng Ortigas Avenue.
Ayon sa naunang regulasyon na inisyu ng gobyerno, ang makakadaan lamang sa EDSA Busway ay mga city bus, ambulansiya, fire trucks, police vehicles, at convoy ng Presidente, Vice President, Senate Presi-dent, House Speaker at Chief Justice.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment