Sugatan ang 75-anyos na madre sa insidente ng pamamaril sa Barangay Burabod, Kawayan, Biliran, noong Linggo, Mayo 26.
Kinilala ang biktima na si Sister Emma, residente ng barangay.
Sinabi ni Sister Ina, isang kapwa madre sa edad na 72, na nanonood sila ng telebisyon nang tawagin sila ng isang lalaki sa labas ng kanilang bahay.
Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng dilaw na jacket.
Habang papalapit si Sister Emma sa pintuan katabi si Sister Ina, binaril ng salarin ang biktima gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril at tinamaan ito sa likod.
Dinala si Sister Emma sa ospital at kalauna'y ni-refer sa Eastern Visayas Medical Center dito para maoperahan.
Narekober ng Biliran Provincial Forensic Unit (BPFU) ang isang slug at dalawang basyo ng bala.
Miyembro ng missionary sisters ng Lady of Peace sa Barangay Burabod ang biktima at si Sister Ina ngunit hindi rehistrado o kaanib sa anumang relihiyosong grupo.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment