Alam ng pamilya ni Barbie Forteza ang mga naging lovelife ng aktres.
Nang maging guest host si Barbie sa 'It's Showtime' ay tinanong ni Vhong Navarro ang tatay ni Barbie na nasa audience kung naging mahigpit ito sa mga naging lovelife ng aktres.
Ito'y kaugnay sa "EXpecially For You" segment kung saan na-feature ang tungkol sa mag-ama kung saan gusto ng tatay na gawing prayoridad ng kanyang anak ang pag-aaral bago ang lovelife.
"Wala naman pong ganun kasi malaki po tiwala ko kay Barbie," sagot ng tatay ni Barbie kay Vhong. "Kahit po hanggang ngayon."
Sey naman ni Barbie na never siyang naglihim sa kanyang mga magulang pagdating sa mga pakikipagrelasyon.
"Ever since, alam ng lahat, ng buong pamilya ko 'yung mga naging crush, naging MU. So talagang all throughout the process of puberty, womanhood, andun sila to guide me," ani Barbie.
Si Barbie ay may pitong taon nang in a relationship kay Jak Roberto.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment