May petsa na ang kasal nina Shaira Diaz at Edgar Allan "EA" Guzman.
Well, hindi pa naman eksakto pero confirmed, sa taong 2026 ikakasal ang engaged couple.
Ni-reveal ito mismo ni Shaira sa Fast Talk With Boy Abunda kamakailan.
"2026, opo."
And hanggang ngayon, kahit medyo matagal pa ang hihintayin nila, mahigpit ang pagsunod nina Shaira at EA sa hindi pagse-sex hangga't hindi sila ikinakasal.
Lahad ni Shaira, "Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po 'yung mga binigay kong salita sa magulang ko, yung mga binigay nila sa aking advice.
"And siyempre sa Bible rin po. 'Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage."
Pero nilinaw ng dalaga na hindi siya kontra sa mga magkasintahan na iba ang pananaw.
"Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save iyon sa pagkakasal namin."
Inihayag din ni Shaira na napag-uusapan na rin nila ni EA kung sino sa kanila ang hahawak ng pera kapag ikinasal sila upang maiwasan ang pagtatalo na kadalasang dinaranas ng ibang mag-asawa.
"Yes. Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa. Parang ginagawa namin siyang inside joke sa amin na 'O ayan na naman ang laki ng papasok sa iyo. Maglibre ka naman!'"
Gusto raw ni EA na si Shaira ang mag-aasikaso ng kanilang pera sa hinaharap.
"Pero pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na 'Kapag kasal na tayo ikaw na ang hahawak ng pera natin.'"
Kasalukuyang napapanood si Shaira sa Unang Hirit at si EA naman sa Lilet Matias: Attorney-At-Law sa GMA.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment