Timbog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang misis ng umano'y lider ng international extortion group noong Martes ng hapon sa Paranaque City.
Kinilala sa ulat ng NBI ang dinakmang si Graeanne Biko, asawa ni Georges Biko, na kasalukuyang nakakulong sa Bureau of Immigration detention cell sa Taguig City.
Nabitag ang asawang lider ng gang sa isang entrapment operation sa loob ng comfort room ng isang sikat na mall.
Ang pag-aresto ay nag-ugat sa reklamo ng misis ng isang Immigration detainee na naglabas ng sinumpaang salaysay, na humihingi ng milyun-milyong piso sa kanila si Biko kapalit umano ng paglaya ng asawa ng biktima sa BI detention cell.
Ayon sa complainant, si Biko na may access sa cellular phone ay tila nagyabang pang mayroon siyang humigit-kumulang 24 miyembro na mga cyber security experts/hacker na nag-ooperate sa bansa.
Para patunayang may access siya (Biko) sa impormasyon ay ipinakita pa ng nasabing gang leader na alam niya ang mga detalye ng kaso ng biktima.
Nabatid naman na bukod sa paglabag sa immigration laws, ang asawa ng complainant ay nahaharap sa kasong kriminal na isinampa ng isang politiko.
Inamin ng complainant na binigyan nila ang asawa ni Biko ng humigit-kumulang P1.5 milyon para sa kanyang pagpapalaya, ngunit kamakailan ay itinaas ang halaga sa P12M para sa kanyang seguridad habang nasa loob ng detention facility.
"The complainant said Biko threatened to fabricate evidence against him that will prolong his detention if he will not pay the P12 million," batay pa sa NBI.
Lumalabas sa parehong sinumpaang salaysay na si Biko ay may impormasyon sa mga detainees ng BI at na-hack ang BI system na naglalaman ng data ng mga nakalaboso dito.
"The extortion leader described as cybersecurity expert claimed his group had hacked several government offices including the Executive," dugtong pa ng isang ahente ng NBI.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment