Duty mode na bilang Senate first lady ang aktres and fashion icon na si Heart Evangelista.
Sa Instagram, ipinasilip ng wifey ni Senate President Chiz Escudero ang first meeting niya as Senate first lady.
Makikita rin sa ilang video na nasa opisina siya ni Chiz at inaasikaso ito.
"Wife duties," ani Heart.
Nito lamang May 20 ay proud wife si Heart sa panunumpa ni Chiz bilang Senate president.
Present si Heart sa naganap na oath-taking ceremony.
Si Chiz ang pumalit sa nagbitiw na pinuno ng Senado na si Juan Miguel Zubiri.
Dahil dito, awtomatikong si Heart ang magiging lider ng Senate Spouses Foundation, na binubuo ng mga asawa ng incumbent at former senators na nagsasagawa ng mga charitable mission at humanitarian projects.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment