Tumaob ang isang tractor-trailer na humahakot ng milyun-milyong bubuyog sa isang pangunahing highway ng New England nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa awtoridad, naiulat sa kanila na may nadisgrasya tractor-trailer sa hilagang bahagi ng Interstate 95 sa Clinton, Maine, bandang 7 p.m.
Sinabi ng Maine State Police, nakita nilang nakatumba na ang isang tractor-trailer na puno ng humigit-kumulang 15 milyong mga bubuyog sa gilid ng highway.
"The bees were mostly contained, and the goal was to save them," saad ng state police sa isang pahayag.
Agad na isinugod sa ospital ang driver ng tractor-trailer.
Sa panayam sa kanya, sinabi niyang galing siya sa Washington County kung saan ang mga bubuyog ay magpo-pollinate sa mga blueberry field.
Samantala, nakipagtulungan ang pulisya sa Department of Agriculture, Conservation and Forestry upang tumulong sa emergency response.
Nakarating naman sa destinasyon ang karamihan sa mga bubuyog.
Iniimbestigahan pa ang naganap na insidente.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment