Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) arrested nitong Huwebes si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves sa kasong may kaugnayan sa umano'y pagkakasangkot nito sa terorismo.
Batay sa police report, nadakip si Teves, kapatid ng pinatalsik na si Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr., sa Dumaguete City bandang alas-8:15 ng umaga nitong Huwebes dahil sa paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
Ang arrest warrant ay inisyu ni Seventh Judicial Region, Branch 74 ng Cebu City noong Mayo 13, 2024, na may itinakdang piyansa na P200,000.
Nasa listahan ang dating gobernador ng top Most Wanted Persons (MWP) sa provincial at regional level.
Noong Agosto, tinukoy ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang magkapatid na Teves at 12 iba pa bilang mga terorista dahil sa umano'y pagkakasangkot ng mga ito sa ilang murder incidents at harassment sa Negros Oriental sa mga nakalipas na taon.
Kabilang sa mga insidenteng ito ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2024 na nagresulta rin sa pagkasawi ng ilan pang inosenteng sibilyan.
Inilabas ang arrest warrant laban kay Arnolfo, kasalukuyang nasa ilalim ng house arrest sa gitna ng extradition trial sa Timor Leste kaugnay ng insidente, noong Setyembre.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment