Isang opisyal ng Cebu City Fire Station (CCFS) ang dinakip dahil sa pangingikil umano ng pera sa isang aplikante.
Sa ikinasang entrapment operation sa loob ng isang restaurant sa Cebu City nitong Huwebes, Hunyo 27, inaresto si Fire Insp. Roy Mat Castro.
Si Castro ang hepe ng Fire Safety Enforcement Section ng CCFS.
Nag-ugat ang entrapment operation sa reklamo ng isang babae na nag-apply para maging Fire Safety Officer 1 sa BFP-7.
Ayon sa naturang babae, nag-demand umano si Castro sa kanya ng P400,000 upang maisama sa listahan ng mga aplikante na manunumpa bilang fire safety officer.
Ito'y matapos umano niyang makapasa sa application process at mapasama sa final list para sa oathtaking.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment