Daily Mail PH

Friday, June 7, 2024

BINALOT NG KONTOBERSIYA ANG RAID NG DILG-SPECIAL PROJECT OFFICE SA PASAY KTV BAR 

Binalot ng kontrobersiya ang nangyaring raid ng mga awtoridad sa isang bar sa Pasay City bago maghating-gabi noong Biyernes matapos ang mga naglabasang ulat sa umano'y palpak na raid. Pumutok ang kontrobersiya dahil sa maraming katanungan sa pamama…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

BINALOT NG KONTOBERSIYA ANG RAID NG DILG‑SPECIAL PROJECT OFFICE SA PASAY KTV BAR 

Headlines Ngayon

June 8

Binalot ng kontrobersiya ang nangyaring raid ng mga awtoridad sa isang bar sa Pasay City bago maghating-gabi noong Biyernes matapos ang mga naglabasang ulat sa umano'y palpak na raid.

Pumutok ang kontrobersiya dahil sa maraming katanungan sa pamamaraan ng pagsalakay ng mga miyembro ng Special Project Office ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa King & Queen Bar sa Macapagal Boulevard na lihis sa panuntunan sa pagsagip sa sinasabing mga biktima ng human trafficking.

Sa naturang pagsalakay, wala umanong kasamang mga tauhan ng Women and Children's Protection Desk (WCPD), Inter-Agency Council Against Trafficking, at kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang raiding team na kabilang sa panuntunan sa pagre-rescue ng mga biktima ng human trafficking.

Mahigit sa 80 mga customer, ilan dito ay mga dayuhang Chinese ang kinalap ng mga pulis at mahigit 70 mga babae at lalaking kawani, tatlo umano dito ay mga menor-de-edad na pawang biktima umano ng human trafficking ang nailigtas kaya't kinailangan nilang magpasaklolo sa Pasay Police Station dahil sa dami ng mga kinalap na mga customer at kawani.

Gayunman, lahat ng mga kinalap na customer at mga kawani na sinasabing nailigtas mula sa human trafficking ay pinawalan din kalaunan at isa man ay walang na-rescue o nasampahan ng kaso dahil lahat ay may naipakitang health, dental at mayor's permit, bukod sa wala ring napatunayan na may menor-de-edad.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa siyam na mga lalaking masahista sa bar, noon lang daw nila naranasan na mistula silang mga kriminal na pinadapa, tinutukan ng baril, iginapos ng plastic na tali, binasahan ng Miranda Rights, at kinuhanan ng mug shot.

Pahayag pa ng mga kawani, lahat sila, pati ang mga customer, ay kinuha ang mga personal na gamit kasama ang wallet at cellular phone at pinagbawalang tumawag, kumuha ng larawan o mag-video sa kaganapan.

Sa ngayon, nagsumite na si Atty. John Louie Cabral, abogado ng bar, kay DILG Secretary Benhur Abalos upang iparating ang pangyayari sa paniwalang hindi kukunsintihin ng kalihim ang nasabing uri ng raid.

Inihahanda na rin ng abogado ang mga kasong isasampa laban sa mga opisyal at tauhan ng raiding team.

ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at June 07, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.