Ipinasak ng isang bebot sa maselang parte ng kanyang katawan ang condom na may glass tube na naglalaman ng umano'y high-grade marijuana na ibibigay sana sa kapatid na nasa loob ng Pasay City Jail (PCJ), Sabado ng hapon sa Pasay City.
Nabuking ng jail officer na si JO1 Erica Rose Bondoc ang tangkang pagpupuslit ng bebot na si alyas "Ayra" dahil sa kakaibang ikinikilos nito nang tangkaing bisitahin ang kanyang kapatid na lalaki sa loob ng male dormitory ng PCJ dakong alas-1:45 ng hapon.
Dahil dito'y isinailalim si Ayra sa strip search sa pribadong silid kung saan ginagawa ang pagsusuri sa mga dalaw na babae na pinaghihinalaang may dalang kontrabando na itinatago sa pribadong parte ng katawan.
Dito na natuklasan ni Bondoc ang isang maliit na glass tube sa condom na naglalaman ng hindi pa batid na dami ng pinatuyong dahon ng hinihinalang high-grade marijuana na itinago ng bebot sa maselang parte ng kanyang katawan.
Ayon kay Jail Warden Supt. Alberto Tapiru Jr., nasa kostodiya na ng female dormitory ng PCJ si Ayra na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutor's Office.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment