Habang mas dumarami pa ang milestones ng 11-million-strong Vivamax platform, mas marami pang exciting na mga pelikula ang paparating kagaya ng dalawang bagong pasabog nito ngayong June: ang 'Linya' at 'Sisid Marino.'
Pumila na at mahulog sa patibong at ganda ni Cess Garcia. Panoorin siya sa 'Linya', streaming exclusively sa Vivamax ngayong June 7, 2024.
Pelikula ni Carlo Alvarez, mapapapanood rin sa 'Linya' ang mga artista ng Vivamax na sina Sheila Snow, Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera.
Gaganap si Cess Garcia bilang Gia, isang college dropout na nagtatrabaho ngayon sa coffee shop. Hindi maikakaila ang nakakaakit na ganda at ka-sexyhan ni Gia, kaya maraming nagkakagusto sa kanya, isa na rito si Cris (Anthony Davao), isang malapit na katrabaho. Mayroon silang sexual relationship ni Cris at may nararamdaman din sila para sa isa't isa. Nasa isang nakakasakal na relasyon din si Gia, sa isang government official na si Councilor Aries Guevarra (Chester Grecia), ang kanyang sugar daddy.
Isang gabi matapos ang nakakapagod na trabaho, magkakayayaan ang mga empleyado ng coffee shop na uminom at mag-night out. Dahil sa kalasingan, matutukso sina Cris at Gia sa isa't isa, pero kailangan nilang maging maingat dahil maraming mata si Councilor Guevarra na nagmamasid sa kanila.
Tila lahat ng solusyon ni Gia para sa kanyang mga problema at makuha ang mga gusto niya ay ginagamitan niya ng kanyang sex appeal, at araw-araw ay mas gumagaling siya sa paggawa nito.
Makipila na at maging isa sa maaakit ni Gia. Panoorin ang 'Linya', streaming exclusively sa Vivamax ngayong June 7.
Sa 'Sisid Marino,' ang sex addiction ng isang bagong mag-asawa ay magiging sanhi ng pagkasira ng relasyon nila sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at komunidad.
Panoorin ang mapangahas na sexy drama movie na ito mula sa award-winning director na si Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Julia Victoria at Jhon Mark Marcia, kasama sina Ataska, Cariz Manzano at Yda Manzano. Eksklusibong mapapanood ang 'Sisid Marino' sa Vivamax simula June 14, 2024.
Ikakasal sa isang baryo sa Zambales ang childhood sweethearts na sina Elmer (Jhon Mark), isang dating seaman, at Susan (Julia), isang clerk sa local civil registrar's office. Gaganapin ang wedding reception sa isang bahay malapit sa tabing-dagat, na ipinatayo ni Elmer mula sa kanyang kinita abroad. Agad na mabubuntis si Susan pagkatapos ng kanilang mainit na honeymoon.
Para masuportahan ang lumalaking pamilya, kukuha si Elmer ng bangka para mangisda sa West Philippine Sea. Pero ang kanilang saya ay mapapalitan ng lungkot nang mamatay ang kanilang baby matapos ipanganak. Matindi ang epekto nito kay Susan, lalo na at nakunan na siya dati. Dahil sa pagmamahal at suporta ni Elmer, unti-unti siyang makaka-recover at muli silang susubok magkaanak.
Mamomroblema sila sa pera nang ma-scam ang ina ni Elmer at naging madalang ang kanyang huling isda dahil sa kaguluhan sa karagatan. Lalapitan ni Elmer ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan para maningil ng utang. Si Elmer ay malulugmok pero pinapasigla naman siya ni Susan sa kama. Ginagamit nila ang kanilang walang humpay na pagtatalik bilang lunas sa kanilang pagkalugmok.
Dadagdag sa problema ang seksing kapitbahay na si Flor (Ataska), na aalukin si Elmer ng kanyang katawan bilang pambayad utang. Nararamdaman ni Susan ang kataksilan ni Elmer, at pinaghihinalaan niya ang kapatid na si Abby (Ataska) na malapit sa asawa. Para mabantayan si Elmer, magre-resign si Susan sa trabaho. At nang mailit ng bangko ang bangka ni Elmer, parehong mawawalan ng trabaho ang dalawa.
Sa kabila ng kanilang gutom at lumalaking utang, walang tigil lang sila sa pagtatalik. Meron din silang delikadong sexual habits para sa mas matinding kasukdulan. Nag-aalala na ang kanilang pamilya at kaibigan kaya lalayo sa kanila ang mag-asawa at ituturing silang mga kaaway.
Sa kanilang nakakabahalang pagkahumaling sa sex, mapapasok sina Elmer at Susan sa isang mundo ng delusyon at nakakagulat na mga rebelasyon. Masama nga ba ang sobra? Ang matinding pagnanasa ba nila sa isa't-isa ay hahantong sa kapahamakan at panganib? Alamin sa 'Sisid Marino' na available na para i-stream simula June 14.
Para i-stream ang 'Linya' at 'Sisid Marino,' punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.
Vivamax, atin 'to!
No comments:
Post a Comment