Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang Pilipinas sa akusasyon na sinisira nito ang kapayapaan sa Indo-Pacific region sa pamamagitan ng paglihis ng tunay na konsepto ng centrality sa ASEAN.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos magtanong si Chinese Major General Xu Hui sa Shangri-la Dialogue sa Singapore noong Biyernes kung nilalagay ng Pilipinas sa panganib ang regional peace sa pamamagitan ng pagkonsidera sa ibang partido sa pagdesisyon kung anong aksiyon ang gagawin sa South China Sea isyu.
Agad itong sinagot ng Pangulo at sinabing kabaligtaran ang binanggit ng heneral dahil ang Pilipinas ay nangako sa genuine peace at ASEAN centrality.
"I cannot imagine what you must be referring to, if the reference or the allusion is to the Philippines somehow tearing apart what we have agreed on in terms of ASEAN Centrality – quite the contrary," giit ni Marcos.
"I think if you examine more closely the remarks that I have just made, I precisely focused on ASEAN Centrality, and that the principles that are laid down, that are involved in the concept of ASEAN Centrality are something that we must use to guide us," paliwanag pa niya.
"And if there have been distractions in the recent past, it's time to return and to remember the core principles of ASEAN's establishment aimed at advocating the common interests of nations and partnerships at the multilateral level," dugtong ng Pangulo.
Binanggit pa ni Marcos na ang Pilipinas ay nananatiling sumusunod sa prinsipyo ng ASEAN simula nang likhain ito.
Aniya, napakahalaga ng South China Sea sa global trade at ekonomiya dahil ito ang daanan ng kalahati ng kalakalan sa buong mundo. Kaya naman maituturing na pandaigdigang isyu ang peace at stability sa South China Sea at kailangang isama ang lahat sa diskusyon.
Binanggit pa ni Pangulong Marcos na kung may mamatay na mangingisdang Pinoy sa WPS, maaari na itong ituring na act of war.
"If by a willful act, a Filipino, not only serviceman or any a Filipino citizen, if a Filipino citizen is killed by a willful act, that is I think a very very close to what we define us act of war,'' babala ni Marcos.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment