Daily Mail PH

Saturday, June 8, 2024

Gawa-gawang kaso vs 2 human rights defender, ibinasura ng Batangas RTC

Makalipas ang tatlong buwan, ibinasura na ng Batangas Regional Trial Court kagabi, Hunyo 7, ang kasong paglabag sa Section 8 of The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 na isinampa laban kina Kabataan Partylist Quezon Coordinator F…
Read on blog or Reader
Site logo image The Catalyst Read on blog or Reader

Gawa-gawang kaso vs 2 human rights defender, ibinasura ng Batangas RTC

The Catalyst

June 8

Makalipas ang tatlong buwan, ibinasura na ng Batangas Regional Trial Court kagabi, Hunyo 7, ang kasong paglabag sa Section 8 of The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 na isinampa laban kina Kabataan Partylist Quezon Coordinator Fritzay Labiano at Tanggol Quezon Coordinator Paul Tagle noong Pebrero 24, 2024.

Sa hatol ng Batangas RTC, hindi nakapagpakita at nakapagsumite ng sapat na ebidensya ang prosekusyon para idiin sina Fritz at Paul sa naturang kaso na isinampa sa kanila ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army matapos nilang magbigay noong Hulyo 2023 ng serbisyo at tulong pinansyal sa dalawang political prisoners na sina Rowena Dasig at Miguela Penier na kapwa youth volunteer at magsasakang community health worker na iligal na inaresto ng 85th Infantry Battalion sa Atimonan, Quezon noong 2023.

Ayon sa Defend Southern Tagalog, Abril 8 nang napag-alamanan na lamang na may pinal ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) upang irekomenda ang kaso nina Fritz at Paul kaugnay ng terrorist financing act bagamat wala silang natanggap na subpoena o anumang notice para sa preliminary investigation na ito.

Mariin namang kinondena ng ilang grupo, kabilang na ang Defend PUP, ang gawa-gawang kasong isinampa kina Fritz at Paul at iginiit na hindi kailanman krimen o terorismo ang anumang porma ng pagsuporta at pagtulong sa mga political prisoners na pawang biktima ng huwad at di-makataong panghuhuli sa kanila. 

"Malinaw sa inilabas na desisyon ng korte ang gawa-gawang kasong isinampa laban sa dalawa. Patunay ito sa sumisidhing desperasyon ng estado na yurakan ang dignidad ng mga human rights defender upang pagtakpan ang kanilang mga paglabag sa karapatang pantao," pahayag pa ng Tanggol Quezon.

Ani naman ng Karapatan, ang kaso nina Fritz at Paul ay nagpapakita ng precedent dahil pinaparusahan nito ang mga human rights defenders at humanitarian aid workers na nagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga aktibistang nasa kustodiya ng pulisya o militar na maaaring itinalaga bilang 'terorista' o inakusahan ng mga paglabag sa ilalim ng Anti Terrorism Act o RA 10168.

Si Fritz ay alumnus ng Polytechnic University of the Philippines na may bachelor's degree sa Broadcasting, at dating Circulation Manager at Graphics Editor ng The Catalyst ang opisyal na pahayagang pangkampus ng PUP Sta. Mesa. Sa kasalukuyan, si Fritz ang provincial coordinator ng Kabataan Partylist Quezon, na nagtataguyod ng kalayaan sa akademiko at kalayaan sa pamamahayag sa kampus sa gitna ng militarisasyon sa mga unibersidad sa lalawigan ng Quezon kung saan laganap ang pasismo ng estado.

Samantalang si Tagle naman ay dating BS Psychology student sa Manuel S. Enverga University Foundation at dating Spokesperson ng Anakbayan Quezon. Si Paul ngayon ang kasalukuyang coordinator at spokesperson ng Tanggol Quezon, isang alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at propesyonal na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan sa probinsya ng Quezon, partikular ang mga marginalized sector, laban sa mga pasistang pag-atake ng estado.

Sa Facebook statement ni Fritz, napakalaking panahon ang ninakaw sa kaniya ng dalawang buwang pagharap sa kanilang kaso na siyang nagingbanta sa seguridad at dahilan upang malimitahan ang pagtulong sa mga kabataang estudyante na ipagtanggol ang kalayaang pang-akademiko at ang pagbibigay ng serbisyo sa mga bilanggong pulitikal at ibang biktima ng pasismo ng estado. 

Binigyang-diin din ni Fritz na hindi krimen o akto ng terorismo ang pagbibigay serbisyo sa mga bilanggong pulitikal katulad nina Owen at Miguela, na hindi sila terorista kung kaya't hindi rin sila nagpopondo ni Paul sa terorismo. 

"Ang terorismo ay ang paggamit ng pondo ng bayan upang magpalaganap ng takot sa mamamayan sa iba't ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao. Ang terorismo ay ang pangangangamkam ng lupa sa mga magsasaka sa malalawak na asyenda sa Bondoc Peninsula. Ang terorismo ay ang paglulunsad ng kabi-kabilang mapanirang proyekto sa kalikasan at kabuhayan katulad ng mga quarrying at pagtatayo ng mga power plant. Ang terorismo ay ang pambubusal sa kalayaang pang-akademiko at pamamahayag ng mga kabataang estudyante," giit pa ni Fritz.

Bago pa man ideklara ng Supreme Court na ang red-tagging ay banta sa buhay, kalayaan, at seguridad nitong Mayo 2024, madalas ng gamitin ng security state forces ang Anti Terror Act at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act upang supilin o harasin ang mga human right defenders at mga aktibistang pulitikal/dissenters.

Bukod kina Fritz at Paul, may tatlong iba pang kababaihang magsasaka at human rights defender mula sa Quezon ang nahaharap sa katulad na mga gawa-gawang kasong isinampa sa kanila. Matatandaang, ang 85th IBPA rin ang may pakana sa sapilitang pagpapasuko sa mahigit 3,000 na magniniyog ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) noong 2023. 

Samantalang ayon sa 2023 year-end report ng grupong Karapatan, tinatayang mayroong 80 na mga bilanggong politikal sa Timog Katagalugan na iilan lamang sa mga naitalang kasong paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr. magmula noong Hunyo 2022, kung saan ay tinatayang may 89 ang naging kaso ng extrajudicial killings, 13 na biktima ng enforced disappearances, 207 ng ilegal at arbitrayong pag-aresto, 22,391 ng pambobomba, 39,769 ng indiscriminate firing, 24,670 ng sapilitang paglikas, 552 ng sapilitang pagsuko, at 1,632,463 naman ang naging biktima ng mga banta, panggigipit, at pananakot—kabilang na ang red-tagging. 

Sulat ni Grace Villena

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

The Catalyst © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at June 08, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.