Nadakma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa Pasig City dahil sa pag-hack ng gas account ng isang food company at pagnanakaw ng mahigit ₱14 milyong halaga ng gasolina.
Sa report ng NBI, pumasok sa Shell Fleet Hub Account ng Gardenia Bakeries Philippines ang suspek na si Gurdeepo Singh Evora Parmar at nakakulimbat ng mahigit P14 milyong halaga ng fuel.
Unang nagreklamo sa NBI ang Gardenia ng kasong Economic Sabotage, Illegal Access and Computer-Related Fraud laban sa ilang indibiduwal na naka-access ng walang awtoridad sa kanilang Shell Fleet Hub Account at nakalikha ng bagong "users" na nagresulta sa iligal na pagkuha ng diesel at gasoline products sa iba't ibang Shell Gasoline Stations na nagkakahalaga ng P 14,475,556.26.
Nabatid na matapos rebisahin ng NBI ang isinumite sa kanilang IP logs na kumpirmasyon ng report na na-access ang kanilang opisyal IP na nagresulta ng pagbuo ng mga malosyosong Shell Fleet Jib account sa ilalim ng mga hindi awtorisadong pangalan.
Sa nakolektang mga ebidensiya at testimonya mula sa mga testigo natukoy ang suspek na Mr. Gurdeepo alias Gary" at iba pang umookupa sa No. 22 Ausmolo Cmpd., Ilaya St., Buting, Pasig City.
Noong Hunyo 20, 2024, sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD), tinungo ng mga operatiba ng NBI-Counter Intelligence Division (NBI-CID) at NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang target na lugar.
Sa pagsalakay, nakadiskubre ng mga operatiba ang ilang electronic devices, tatlong IDs na ginamit sa mga transaksiyon, iligal na droga, drug paraphernalia, mga pinalsipikang mga dokumento at computer-related fraud.
Ang suspek ay isinailalim ng inquest proceedings sa Pasig City Prosecutor's Office sa paglabag sa Section 12 at 15 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at Article 172 (Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents) ng Revised Penal Code.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment