Umapela ang isang kongresista sa mga botanteng Pilipino na huwag iboto ang mga politiko na hindi naniniwala sa karapatang pantao.
"'Wag nating hayaang manalo ang mga politiko na hindi naniniwala sa human rights," sabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., sa pagdinig ng kanyang komite kamakailan.
Si Abante ang chairperson ng House Committee on Human Rights na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng paglabag umano sa karapatang pantao sa implementasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
"Kinakailangan po ang manalong pulitiko meron pong passion sa Pilipino, ang mga politiko na mananalo ay naniniwala po sa due process and law, hindi po kaagad kumikitil o pumapatay," sabi ni Abante.
"Naniniwala po na ang bawat Pilipino, anuman ang kanyang kalagayan, may karapatan sa mundong ito, mga kaibigan. I hope na sana po ay makinig po kayo sa amin ngayon, sapagkat elections po next year," dagdag pa nito.
Habang isinasagawa ang pagdinig ay isinapubliko ni Vice President Sara Duterte ang plano umanong pagtakbo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Paolo Duterte, at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa 2025 senatorial elections.
Iniimbita ng komite ni Abante si dating Pangulong Duterte sa pagdinig.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment