Dahil sa sunud-sunod na insidente ng pamamaril at iba pang krimen, ikakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 600 pulis sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Public Information Office PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, magsisilbing augmentation ang naturang bilang upang agad na makapagresponde sa ilang mga insidente.
Ang mga pulis na may administrative duties sa Camp Crame ay pansamantalang ikakalat upang mabigyan ng sapat na seguridad ang Kalakhang Maynila.
"Mahigit 600 kung hindi ako nagkakamali na ibinaba na 'yan sa NCR at ikakalat 'yan para madagdagan 'yung puwersa ng pulis na nagbabantay sa daan," ani Fajardo sa panayam ng dzBB.
Paliwanag ni Fajardo, ang deployment o augmentation ay bunsod na rin ng kautusan ni Marbil na mas paigtingin pa ang puwersa ng mga pulis bunsod ng sunud-sunod na shooting incidents kabilang na ang pamamaril at pagkamatay ng isang family driver dahil sa road rage incident EDSA-Ayala tunnel noong Mayo 28 sa Makati City, pamamaslang sa LTO Registration Division chief na si Mercedita Gutierrez sa Brgy. Pinyahan Quezon City noong Mayo 24 at pamamaril sa dalawang empleyado ng restobar sa Brgy. Barangay Sacred Heart sa Quezon City noong May 30.
Dagdag ni Fajardo kailangan na mabigyan ng sapat na kapanatagan at seguridad ang publiko laban sa mga nagsusulputang mga insidente.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment