Magsasagawa ng rosary campaign ang Simbahang Katolika kasunod na rin ng lumalalang problema ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang pastoral letter, hinikayat ni Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan ang mga Katoliko na makilahok sa "Rosary Campaign" na sisimulan sa Hunyo 27 at magtatapos hanggang sa pagdaraos ng Solemnity of the Assumption sa Agosto 15.
Hinikayat din niya ang mga mananampalataya na sabayan ang naturang kampanya ng 'acts of penance and supererogation' na may partikular na intensidad.
"May the power of the rosary preserve our nation's faith and freedom. May the power of the rosary crush the serpent's head! May the power of the rosary drive away Satan's power from our shores," ayon pa kay Villegas.
Inanyayahan din ng arsobispo ang lahat ng Katoliko sa buong bansa na makiisa sa naturang prayer activity.
"May God be honored by all that we do for our country, our people and their future; for our faith and our Church, for the freedom to believe and the freedom to worship as we believe," dagdag pa ni Villegas.
Tinawag pa niya ang China bilang isang banta, nagpahayag ng pagkabahala ang arsobispo hinggil sa mga kagananapan sa pinag-aagawang teritoryo.
Ikinalungkot din niya ang ginagawang pagpasok ng China sa mga maritime zones ng Pilipinas, pagtataboy sa mga mangingisda at pagsira sa kapaligiran sa pamamagitan nang pagtatayo ng mga artipisyal na isla at militarized structures.
"There is evidence of insidious attempts by a foreign power that governs by an ideology that recognizes no God and keeps all religion and the practice of faith under the heavy heel of its totalitarian boot to 'trample our sacred shores,'" pahayag pa ni Villages.
Nangangamba rin naman si Villegas hinggil sa nagaganap na government infiltration ng mga indibidwal na binayaran ng Beijing o mga Pinoy na nakikinabang mula sa China, at naglalagay sa panganib sa kalayaan ng bansa.
"It is not impossible for foreigners with malicious intent to acquire documentation allowing them not only entry but residence in the Philippines, perhaps even to pass themselves off as natural-born Filipino citizens and, thus, qualify for public office," aniya pa.
Sa gitna ng mga naturang hamon, hinimok ng arsobispo ang iba't ibang sektor na ipagtanggol ang bansa.
Nanawagan din siya sa mga mambabatas na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa naturang Chinese infiltration sa pamahalaan at mga lokal na institusyon.
Hinikayat din niya ang mga prosecutor at mga hukom na itaguyod ang hustisya, at binigyang-diin ang pangangailangang usigin ang sinumang sumisira sa mga prosesong legal at administratibo, at naglalagay sa panganib sa seguridad at interes ng bansa.
Hinimok din niya ang mga unipormadong tauhan na nagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas na protektahan ang mga mangingisdang Pilipino, itaguyod ang pambansang soberanya, at pangalagaan ang teritoryo at karagatan ng bansa.
Umapela rin siya sa mga mamamayan, partikular na sa kanyang arkidiyosesis, na patuloy na manindigan at huwag magpadala sa anumang takot.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment