Nagbanta si dating Senate President Juan Miguel Zubiri na maghahain siya ng cyber libel case sa mga taong nagpapakalat ng black propaganda at fake news laban sa kanya.
Sabi ni Zubiri, ang mga lumabas na black propaganda ay nakapaloob sa maraming videos na nagkakalat ng malisyosong tsismis na ipinost sa social media at na-timing sa kanyang pagpapababa bilang lider ng Senado.
"They came out with a first set of videos two months ago, on the first attempt to unseat me. When that failed, they produced a part two video, which was released during the week of the second attempt. The timing is impeccable," sabi ng dating Senate chief.
Ayon kay Zubiri, "impeccable timing" umano ang black propaganda dahil lumabas ito kasabay ng kanyang pagbaba bilang Senate President.
"It's an obvious attempt to discredit my leadership and taint my name. And they're funneling huge amounts of money into this campaign – from production to promotion," ani Zubiri.
"So to whoever's spreading these lies to make it look like I'm pocketing government money to buy mansions and jets, these are totally false. I hope they're ready because I will be filing cases and will not stop until justice prevails," dagdag niya.
Sa mga naglabasang fake news video sa social media, mayroon daw umanong bahay si Zubiri sa Forbes Park, kasama ang private airplanes, jets at helicopters, at galing diumano sa katiwalian.
"Walang katotohanan yan," deklarasyon ni Zubiri, kasabay ng paghahamon na kung may makita silang bahay ng senador sa Forbes, sa kanila na ito.
Depensa ni Zubiri, wala siyang pag-aari sa Forbes Park. "Yung bahay ko ngayon, na wala sa Forbes, ay nabili ko noong 2009 pa po. At nasa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) ko po iyan," dagdag niya.
Sa isyu naman ng pribadong mga eroplano, ipinaliwanag niya na humihiram lang siya nito para magampanan ang mga obligasyon niya bilang senador – lalo na noong panahon niya bilang Pangulo ng Senado, at lalo kung hapit ang schedule.
Kasama rin sa mga balita ang pagpapatayo ni Zubiri ng isang resort sa Camiguin – na siya namang inamin ng senador.
"This is not a private hideaway, and you can find the property in my SALN," aniya.
Ipinaliwanag rin niya na bilang negosyante, "may kaya naman po tayo."
Ang pamilyang Zubiri, na naka-base sa Bukidnon, ay matagal nang nasa industriya ng pagpo-proseso ng asukal at pagtatanim ng pinya. Ang senador mismo ay may negosyong planta ng industrial ice sa Iloilo at Cagayan, at planta ng renewable energy sa Bukidnon.
"May income po tayo, at nasa SALN ko po lahat iyan. And we pay all our taxes," sabi niya.
"I always encourage aspiring politicians to have their own sources of income separate from public service. Para walang temptation na mangurakot sa kaban ng bayan," pagpapatuloy ni Zubiri.
"Matagal na ako sa pulitika, and I take pride in maintaining a clean record. Wala tayong scandals sa pera ng bayan. Kasama ba tayo sa Napoles Scandal? Hindi. Dahil hindi tayo sumang-ayon sa paglagay ng pera ng bayan sa mga private foundations."
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment