Inaresto ng mga awtoridad noong Biyernes ang isang mag-ama sa Brgy. San Roque, Jaen, Nueva Ecija dahil sa pagbebenta ng karne ng aso. Nagpanggap ang mga awtoridad bilang mga bumibili ng karne ng aso at sinabi sa mga suspek na dapat na buhay ang aso. … | Headlines Ngayon June 5 | Inaresto ng mga awtoridad noong Biyernes ang isang mag-ama sa Brgy. San Roque, Jaen, Nueva Ecija dahil sa pagbebenta ng karne ng aso. Nagpanggap ang mga awtoridad bilang mga bumibili ng karne ng aso at sinabi sa mga suspek na dapat na buhay ang aso. Ngunit natuklasan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Nueva Ecija provincial field unit at animal rights group na Animal Kingdom Foundation (AKF) na dalawang aso na ang napatay. Nakakatanggap na rin umano ang AFK ng mga ulat ng pagpatay ng mga aso sa lugar mula pa noong Abril. Samantala, ang dalawang iba pang aso na nailigtas ay nasa pangangalaga na ng AKF. ATTY EDNA DEL MORAL | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment