Inihayag ni Senador Manuel 'Lito' Lapid na magbibitiw siya bilang miyembro ng Senado kung mapatunayang sangkot siya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanilang bayan sa Porac, Pampanga.
Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, binigyang-diin ni Lapid na wala siyang kinalaman sa iligal na operasyon ng Lucky South 99 Corporation, ang sinalakay ng POGO hub sa Porac noong Hunyo 4.
"Gusto kong patunayan dito sa hearing na ito na wala po akong kinalaman dito sa operasyon ng Pogo at hindi po nakapangalan ang lupang 10 ektarya dyan sa Pogong yan. Kaya po ako naghahamon dito, kung ako napatunayan nilang kasali ako dyan, pwede akong magresign ilang senador," pahayag ni Lapid.
Partikular na hinamon ng senador ang isang vlogger, na hindi niya pinangalanan, na nag-akusa sa kaniya na protector ng POGO sa kanilang bayan sa Porac at siya rin ang may-ari ng lupang pinagtayuan ng nasabing POGO hub.
Direktang tinanong ni Lapid si Porac Mayor Jaime Capil kung sino ang tunay na may-ari ng lupang pinagtayuan ng POGO hub.
"Kaya po tinatanong ito dahil itong isang vlogger dito laging inuugnay po yung pangalan ko dito sa 10 ektaryang kinatatayuan ng Pogo na 46 na bldg. Ngayon ang tanong ko masasabi mo [Mayor Capil] ba sa kapulungang ito, sa hearing na ito, ako ba ang may-ari ng lupang iyan na dinidiin nila?" saad ni Lapid.
Tugon naman ni Capil, walang katotohanan ang ibinibintang sa kaniya ng naturang vlogger.
"Actually, it's very unfair to both of us senator, pati po ako sinasabi niya na ako ang may-ari at may 50 million na bahay po ako doon. I categorically deny that . Hindi po tayo ang may-ari ng lupa dun po sa kinatatayuan ng Lucky South ng Pogo po," pahayag ni Capil.
"Hindi po kayo nag may-ari senador," dagdag pa niya.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment