Mas lalong naging malasa si Sunshine Cruz sa mata ng mga male fan niya. Ito'y matapos maging model sa isang clothing brand.
Ibinalandra nga ni Sunshine ang pamatay nitong alindog .
Sa kanyang IG, makikita ang pang-beauty queen na pigura ng aktres sa iba't ibang klase ng cut at design na bathing suit.
Saan mang anggulo ay walang kaduda-duda na taglay pa rin ni Sunshine ang appeal na puwedeng ikabaliw ng mga barako.
Mula ulo hanggang paa, makinis at materyales fuertes ang piyesa ng katawan ni Sunshine.
Walang bahid na ito pala ay 46 years old na at malapit nang maging golden girl.
Kumbaga sa isang prutas malutong at makatas pa rin ang kaseksihan ni Sunshine.
Kumpara sa mga kaibigan nito sa showbiz, namumukod-tangi si Sunshine na maangas pa rin ang kagandahan at pigura.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment