Pinayagan ng korte sa Timor-Leste ang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas laban kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) Huwebes ng gabi, Hunyo 27, ang naturang balita tungkol sa extradition case
"The Department of Justice confirms the grant of the extradition request made by the Philippine government. The information was relayed to us by the Attorney-General of Timor-Leste. We have won," ayon sa mensahe ni DOJ Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano sa mga reporter.
Inaasahan aniya ng DOJ ang agarang pagbabalik ni Teves sa bansa upang harapin naman ang mga kasong isinampa laban sa kanya dito.
Nahaharap si Teves sa multiple murder cases kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan siyam na iba pa ang nasawi rin sa masaker na naganap noong Marso 4, 2023.
Hunyo 13 inilagay sa house arrest si Teves habang nagpapatuloy ang extradition hearing laban sa kanya. Nagtapos ang kanyang house arrest noong Hunyo 21 pero mahigpit pa rin ang pagmamatyag sa kanya ng mga awtoridad sa Timor-Leste.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment