Daily Mail PH

Sunday, June 30, 2024

MTRCB Nagsagawa ng Responsableng Panunuod Family and Media Summiy Upang Palakasin ang Pamilyang Pilipino

Idinaos ngayong araw ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media. Ang summit, na ginanap sa Quezon C…
Read on blog or Reader
Site logo image Stars Photog Read on blog or Reader

MTRCB Nagsagawa ng Responsableng Panunuod Family and Media Summiy Upang Palakasin ang Pamilyang Pilipino

By starsphotog on July 1, 2024

Idinaos ngayong araw ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.

Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, mamamahayag na si Ms. Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children's Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan. Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.

Ang Summit ay bunsod ng bisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na paigtingin ang media at information literacy sa buong Pilipinas.

"Sa panahon ngayon, napakabilis ang pagbabago ng media landscape. Bilang Chair ng MTRCB at, higit sa lahat, bilang isang ina, nauunawaan ko ang mga hamon na kaakibat ng paggabay sa ating mga anak sa digital na panahon," sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa kanyang pambungad na pananalita.

"Mahalaga na mabigyan natin ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga nararapat na mga kagamitan at kaalaman upang magabayan ang kabataan sa responsableng paggamit ng media," dagdag niya.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Belmonte na ngayon higit kailanman, kinakailangang makasunod ang mga matatanda sa digital na panahon.

"Isang malaking hakbang ang talakayan natin dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga matatanda, binibigyan natin sila ng kakayahang maging mas mapanuri sa kanilang napapanood at naipapakita sa kanilang mga anak," sabi ni Belmonte.

Ipinagdiinan ni award-winning broadcaster at TV host Korina Sanchez-Roxas ang kahalagahan ng pagmo-moderate at pamamahala ng nilalaman.

"Mahalaga na magkaroon ng balanse sa pagitan ng screen time at mga pisikal na aktibidad. Ang uri at kalidad ng nilalaman na pinapanood ng ating mga anak ay may malaking epekto sa kanilang murang kaisipan," sabi ni Sanchez-Roxas.

"Magtrabaho tayo tungo sa isang balanse at enriching environment kung saan maaaring umunlad ang mga bata sa parehong online at offline," dagdag ni Sanchez-Roxas.

Ayon kay Sotto-Antonio, dito pumapasok ang Responsableng Panonood campaign.

"Naniniwala kami sa MTRCB na nasa puso ng Responsableng Panonood ang pamilyang Pilipino. Bilang pangunahing yunit ng lipunan, sa tahanan unang natututo ang mga bata tungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, online, at sa iba pang anyo ng media ay may iba't ibang epekto ito sa kanila. Kaya naman, mahalaga na tayo, bilang mga magulang at tagapag-alaga, ay aktibong ginagampanan ang ating tungkulin sa paggabay sa mga bata sa wastong paggamit ng media," diin pa ni Sotto-Antonio.

Tinalakay naman ni Dr. Gatmaitan ang mga pagsusumikap ng NCCT na itaguyod ang isang child-friendly TV landscape sa bansa.

Ang Responsableng Panonood campaign, na inilunsad ng MTRCB noong 2023, ay binibigyang-diin ang mahalagang papel ng mga pamilyang Pilipino sa paghubog ng mga kaugalian sa paggamit ng media at naglalayong magbigay ng mga kagamitan sa mga magulang at tagapag-alaga upang matulungan ang mga bata na pamahalaan ang oras sa screen at pumili ng may kalidad na nilalaman.

Ang family and media summit ay nagtampok ng mga eksperto na nagbahagi ng mga pananaw at estratehiya para sa pagtataguyod ng kapaki-pakinabang at angkop na panoorin para sa mga bata.

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

Stars Photog © 2024.
Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc.
60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110

at June 30, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Rappler x Linya-Linya campaign launch kasama sina Raco Ruiz, Ansis Sy, Monica Cruz

Tara na sa Rappler x Linya-Linya campaign launch!   06 January 2026 View in Browser       Pagbati!   Isang bagong taon ang sumasalubon...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • [New post] Is XRP going to take the Crypto market by storm
    admin posted: "Is XRP going to take the Crypto market by storm While the SEC has been going after Ripple in court the XRP b...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • January 2026 (1)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.