Pinag-iingat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko laban sa pagbili ng mga pekeng motor spare parts ng sasakyan partikular ang mga gawa sa China.
Inihayag ito ng NBI Intellectual Property Rights Division matapos nilang sampahan ng subpoena ang isang Chinese company na nagbebenta ng motor spare parts sa kalagitnaan ng isang exhibit sa World Trade Center sa Pasay City biyernes ng hapon, Hunyo 7.
Kinilala ni Executive Officer Rodolfo Ignacio ang kompanya na Jiangsu Huihong Machinery Manufacturing Co. Ltd. Inireklamo aniya ang Chinese company ng isang Japanese firm na Sankei 555 dahil sa pagbebenta ng pekeng spare parts sa ilalim ng kanilang brand name.
Pinahaharap sa NBI sa darating na Lunes, Hunyo 10, ang mga incorporator ng Chinese company para magpaliwanag.
Ayon kay Ignacio, ang ginawa nilang aksyon laban sa mga nagbebenta ng pekeng spare parts ng sasakyan ay para na rin matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Dapat din aniya maging mapagmatyag ang mamamayan laban sa mga pekeng produkto at agad isumbong sa MGA awtoridad kung makakakita nito.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment