Hindi raw nagdalawang isip si Sanya Lopez na maghubad sa harap ng kamera.
Yes, buong ningning ngang kinuwento ni Direk Mark Reyes, na may eksena sa 'Playtime' na kinailagang mag-strip ni Sanya.
Pero, ano ba ang nararamdaman ni Sanya noong mga oras na `yon, na kailangan na niyang maghubad?
"Mas more on tawang-tawa ako, kasi may pinagplanuhan kaming mga girls (Coleen Garcia, Faye Lorenzo) doon. Hindi talaga ako natakot. Medyo kinabahan ako, pero mas tawang-tawa ako sa umpisa pa lang.
"Pero `yun nga, noong ginawa ko ang eksena, masaya ako!" chika ni Sanya.
So, naghubad ka talaga?
"Opo, eh. Hahahaha!" tawang-tawang sagot ni Sanya.
"Parang ganun talaga ang nangyari!" dugtong pa niya.
Gaano ba kaseksi, gaano katindi ang paghuhubad niya?
"Ah, sa akin mild lang `yon. Hahahaha!" saad niya.
"Pero, kaya ako happy, at ang kaba ko ay konti lang, kasi alam ko na nandiyan si Direk Mark, na hindi niya ako hahayaan na may mangyari na hindi maganda.
"At si Xian (Lim) din naman kasi, tinatanong niya ako kung okey lang ba ako. Wala akong naging problema sa kanya. Naging kumportable ako sa kanya.
"Malaki ang tiwala ko kay Direk Mark. Sabi ko nga, kung ibang direktor siguro, baka kailanganin ko pa ng konting adjustment pagdating sa ganun.
"Ang maganda rin kasi kay Direk Mark, kapag may naiisip kami na idagdag, willing naman siya, nagu-go siya, lalo na kung sa tingin niya ay makakatulong, at makakaganda talaga.
"Happy ako na sila ang nakatrabaho ko sa ganito ka-intense na mga eksena at pelikula," sabi na lang ni Sanya.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment