Hindi bababa sa 28 motorcycle at car dealerships ang nahaharap sa multang P20,000 at P500,000 at suspensyon ng akreditasyon hanggang anim na buwan dahil sa paglabag sa alituntunin ng Land Transportation Office (LTO) na ipalabas ang license plates at Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) sa tamang oras.
Sinabi ni Assistant Secretary Vigor Mendoza II, LTO chief, ikinasa ng ahensya ang mga parusa laban sa mga lalabag na dealer.
"We already have an initial list of the agents and their dealerships that were recommended for sanctions, including fines and suspension of accreditation," wika ni Mendoza nitong Linggo.
Dapat ipalabas lahat ng LTO offices ang license plates at OR/CR sa motor vehicle dealerships sa loob ng limang araw matapos maisumite lahat ng documentary requirements.
Gayundin, binibigyan ang motor vehicle dealers ng anim na araw upang ibigay ito sa kanilang kliyente, para sa kabuuang 11 araw.
Sa naunang memorandum na inisyu sa Department of Transportation, binigyang-diin ng Malacañang na lahat ng vehicle dealers ay dapat tumalima sa itinakdang processing timelines ng LTO para sa paglalabas ng motor vehicles plates.
Kasama sa memorandum ang pagpapairal ng "necessary penalties, such as termination of dealership, on dealers who fail to comply."
"Let this serve as a strong message to all agents and dealerships to do their part, their obligation to their clients. Kasama sa trabaho ninyo ay tiyakin na sumusunod kayo sa regulasyon ng LTO patungkol sa release ng plaka at OR/CR on time," wika ni Mendoza.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment