Nanawagan ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na kunin ang 294 na balikbayan box na dinala sa Pilipinas noong 2023.
"Unfortunately, they were abandoned by the forwarder after collecting payments from abroad," anang BOC sa isang pahayag nitong Linggo.
Ayon sa Customs, dumating sa Pilipinas ang mga balikbayan box mula sa Kuwait noong Feb. 12, 2023 at naka-imbak sa isang warehouse sa Santa Ana, Manila.
Sa mga inabandonang balikbayan boxes, sinabi ng BOC na naipamahagi na nila ang 450 boxes.
Maaaring suriin ng mga OFW at kanilang mga pamilya ang kanilang mga hindi na-claim na balikbayan box sa website ng BOC.
Upang ma-claim ang mga balikbayan box, kailangang ipakita ng mga tatanggap ang mga sumusunod na dokumento:
Pasaporte ng nagpadala (orihinal o photocopy)
Isang valid na government-issued ID (orihinal at photocopy)
Katibayan ng pagpapadala tulad ng invoice o bill of lading (orihinal at photocopy)
Samantala, ang mga kukuha ng balikbayan boxes sa ngalan ng ibang tao ay kailangang magbigay ng mga sumusunod na karagdagang kinakailangan:
Notarized authorization letter o special power of attorney
Valid ID ng kinatawan
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment