Unti-unti na talagang nakikilala si Rhen Escaño bilang isang magaling na actress dahil bukod sa sunud sunod na teleserye nito ay hindi rin ito nawawalan ng pelikula. Matapos manakot sa horror film na "Marita" ay pinasok naman ni Rhen ang action film na "Karma"
First time daw gagaawa ng action film ni Rhen at masyado daw siyang na challenge sa kanyang karakter dito bilang si Angel. Nakapa intense daw ng kanyang mga eksena rito to the point na naiyak na sya at gusto na niyang mag back -out dahil sa hirap ng kanyang mga action scenes. Mabuti nalang daw at ininganyo siya ng kanyang director na gawin ang mga eksena dahil kaya niya daw ito kaya ibinigay sa kanya ang project na ito.
Naikwento pa ni Rhen na totoong nasuntok niya ang co-star na si Krista Miller sa isa nilang fighting scenes at nagdugo ang mukha nito dahil sa lakas ng kanyang suntok at nagkamali ng ilag si Krista.
Si Rhen ay gumaganap bilang si Angel, isang assassin na puno ng poot at pangungulila. Walong taong gulang si Angel nang makita niya mismo sa kanyang harapan kung paano pinatay ang kanyang ama. Lumaki siya na gustong ipagtanggol ang mga inaabuso, hanggang sa dumating sa punto na aksidente siyang nakapatay ng lalaking nagnanakaw sa isang mag-ama.
Sa tulong ng kanyang Ninong Chief, isang dating police general, hindi nakulong si Angel pero naging myembro na siya ng organisasyon ng mga hitman na pinamumunuan ni Chief. Pinaniniwalaang mga kriminal lamang ang tinutumba ng organisasyong ito. Pero sa huli niyang misyon, nakita ng anak ng kanyang target ang pagpatay niya dito. Hindi mabura sa isipan ni Angel ang imahe ng batang yakap-yakap ang kanyang pinaslang na ama. Lalong tumindi ang pagsisisi ni Angel nang malaman niyang ang pinatay niya ay hindi drug pusher kundi isang undercover police officer.
Sunud-sunod na ang mga bagay na nadiskubre ni Angel tungkol sa kanyang Ninong Chief, sa totoong uri ng kanilang organisasyon, at sa totoong motibo ng pagpatay sa kanyang ama. At ngayon, walang makakapigil sa kanyang ipatumba ang tunay na salarin.
Si Sid Lucero ang kapareha ni Escaño sa pelikulang ito. Ginagampanan ni Lucero ang papel nang dating iskolar na si Rommel. Tulad ni Angel, naging hitman siya sa organisasyon ni Chief nang napasubo ito sa madugong labanan sa isang gang. Magkapatid ang turingan nina Rommel at Angel. Pareho silang magaling sa kanilang trabaho kahit hindi talaga gusto ni Rommel ang pumatay. Hinihintay na lang niya ang tamang panahon para iwan ang organisasyon. Ngayon, pumapayag na si Chief na pakawalan siya pero sa isang kundisyon: dapat niyang patayin si Angel dahil marami na itong nalalaman.
Maliban sa pelikulang ito, magkasama rin sina Escaño at Lucero sa teleseryeng "Carlo J. Caparas' Lumuhod Ka sa Lupa" sa TV5.
Bilang paghahanda sa kanyang papel, dumaan sa fight and gun training si Escaño. Pinakita niya ito sa kanyang social media account na may caption na: "Will never forget ilang beses akong umiyak kase akala ko 'di ko kaya."
Unang nakilala si Rhen Escaño bilang sexy star, at ngayon, ikatutuwa ng mga fans ang pagpasok niya sa action genre.
Ang papel ni Chief ay ginagampanan ni Roi Vinzon. Kasama rin sa "Karma" sina Krista Miller, Paolo Paraiso, Leandro Baldemor, at Mon Confiado.
Mula sa Viva Films at Happy Infinite, ipalalabas ang "Karma" sa mga sinehan simula June 19, 2024.
No comments:
Post a Comment