Ipinahayag ni Senador Cynthia Villar ang kanyang pagretiro umano sa national politics pero plano niyang sumabak sa local election.
"I will retire from national politics, maglo-local ako," ayon kay Villar.
Pero nilinaw ni Villar na hindi pa niya tiyak kung anong puwesto ang tatakbuhan sa local election.
Kasabay nito, kinumpirma ni Villar ang pagtakbo ng kanyang anak na si Camille sa senatorial election.
Tiniyak ni Villar na bago magtapos ang kanyang termino ay tatapusin niya ang lahat ng mga isinusulong na panukala sa Kongreso.
Isa si Villar sa mga senador na matatapos na ang termino sa 2025.
Mensahe pa ni Villar sa publiko, "I just want to assure them, we will do our best to serve our country, aayusin ko talaga. I'm very concerned with our environment and agriculture and food. I will do my best that before I leave maiayos ko ang lahat."
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment