Inalarma ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng police stations kaugnay ng apat pang pinaghahanap sa walong nakatakas na preso sa jail facility sa City of San Jose Del Monte, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Bulacan Police Director, Colonel Relly Arnedo, ang mga tumakas na inmates na sina Richard Torillos, Arturo Conde, Aaron Capa, Jose Albert Rojas, Jeffrey Santos, Glenmir Ian Aguilar, Jorency Revise at Edcel Briones na may mga kinakaharap na iba't ibang kaso.
Sa report, 3:00 ng madaling araw (June 2) nang madikubreng nawawala ang mga tumakas na inmate.
Hiniling ng PNP sa lahat ng istasyon ng pulisya na magsagawa ng drag net operation at activate Bulacan Shield Alpha upang agarang maibalik sa kulungan ang mga nakatakas na preso.
Nabatid na winasak ng mga preso ang steel window ng kulungan.
Sa kuha ng CCTV, dalawa ang pumara ng bus at nagmamadaling sumakay habang ang dalawa pa ay naglakad nalang.
"Based doon sa mga information na nakuha natin sa mga operatives is 'yung iba nakuha sa nearest residence nila. 'Yung iba naman sa mismong bahay nila," sabi ni Pating.
Sa ngayon, sinimento at tinakpan ang bahagi ng bintana ng custodial facility kung saan dumaan ang mga PDL.
Kinilala ang mga nadakip na sina Conde, na nagtago sa Navotas City pero nahuli nang bumalik sa kanilang bahay sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan; at Aguilar na nagtago sa kanilang bahay sa Brgy. Gumaoc; at dalawang iba pa na una narin nahuli na sina Briones at Revise.
Patuloy ang manhunt operations sa apat pang natitira.
Samantala, sumailalim sa restrictive custody ang dalawang nakatalagang jail guards ng San Jose del Monte City Police Station.
Ayon kay MSgt. Rod Pating, iniimbestigahan na ang dalawang jail guards na agad pinalitan sa pwesto.
Paliwanag ni Pating, maaring maharap sa administrative case o mapatawan ng sanction ang mga ito depende sa makikitang kapabayaan kung bakit nakapuga ang binabantayang persons under police custody.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment