Kumbinsido si Senator Risa Hontiveros na solidong patunay na pekeng Pilipino si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang pagkumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang fingerprints nina Alice Leal Guo at Guo Hua Ping.
Sinabi ni Hontiveros, wala nang kawala pa rito si Mayor Guo at hindi na maitatanggi na siya at si Guo Hua Ping ay iisang tao.
Ayon kay Hontiveros, ito na ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa puwesto si Mayor Guo.
"This confirms what I have suspected all along. Pekeng Pilipino si 'Mayor Alice' — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as Filipino citizen to facilitate crimes being committed by POGO," sabi ni Hontiveros sa isang statement.
Kaugnay nito, sinabi ni Hontiveros na kanilang tututukan ang kinaroroonan ng tunay na Alice Leal Guo.
Noong nakaraang pagdinig hiniling ni Hontiveros sa NBI na hanapin ang kinaroroonan ng tunay na Alice Leal Guo.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment