Hindi "misunderstanding" o aksidente lamang ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal kung saan hinarang ng China Coast Guard ang resupply mission para sa BRP Sierra Madre at may nasaktan pang tauhan ng Philippine Navy, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Kabaliktaran ang sinabi ni Teodoro sa naunang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi umano itinuturing ng Malacañang na "armed attack" ang nangyari sa Ayungin Shoal kahit may mga nasaktan sa tropa ng gobyerno.
"No. Well, you know this was probably a misunderstanding or an accident. We're not yet ready to classify this as an armed attack. I don't know kung `yung mga nakita namin is bolo, axe nothing beyond that," pahayag ni Bersamin matapos ang pulong ng National Maritime Council noong Hunyo 21, Biyernes.
Subalit sa press briefing sa Malacañang nitong Lunes, Hunyo 24, tinawag ni Teodoro na "aggressive and illegal use of force" ang ginawa ng China sa Ayungin Shoal.
"We see the latest incident in Ayungin not as a misunderstanding or an accident. It is a deliberate act of the Chinese officialdom to prevent us from completing our mission," giit ni Teodoro.
Ayon kay Teodoro, napag-alaman nila sa pagbisita sa Palawan kung saan nakausap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga tropa na kabilang sa resupply mission sa BRP Sierra Madre na hindi "misunderstanding" o aksidente lamang ang mga nangyari.
"We are not downplaying the incident. It was an aggressive and illegal use of force," ani Teodoro.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment