Tumugon si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa TikTok sa tanong kung itinatago ba nito si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy mula sa mga awtoridad.
"I am a loyal friend. Of course, sasabihin nilang tinatago ko si Pastor Quiboloy. Kayo nga, anong tingin ninyo?" pahayag ni Duterte sa maiksing video message na naka-post sa Tiktok.
Inamin ni Duterte na malapit siyang kaibigan ng pastor na nagsilbing spiritual adviser niya noong siya ay Pangulo pa. Mula pa sa kanyang pagka-alkalde ay magkaibigan na sila.
Itinalaga ang dating Punog Ehekutibo na tagapag-alaga ng properties ni Quiboloy kasunod ng mga reklamong child abuse, sexual abuse, at qualified human trafficking sa mga korte sa lugar na ito at sa Pasig City.
Sinabi ni Quiboloy na inisyuhan na ng arrest warrants, haharapin lamang niya ang mga kaso laban sa kanya kung papayag ang pamahalaan sa kanyang mga kondisyon. Aniya pa, nagtago lamang siya dahil sa pagkabahala ukol sa kanyang extradition.
Binatikos ng dating Pangulo ang malaking pwersa ng mga pulis sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy at lima pa noong nakaraang linggo. Bilang tagapangasiwa ng KOJC, ikinokonsidera niyang magkasa ng legal na aksyon laban sa kanila.
Itinanggi ni Duterte na itinatago niya ang puganteng pastor. Nanawagan siya sa kanyang kaibigan na sumuko na sa mga awtoridad upang maiwasan ang kaguluhan sa pagitan niya at kanyang mga miyembro.
ARVIN SORIANO (Ll.B) – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment