Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at paghahanap ng mga otoridad sa dalawang biktimang mag-live in partner na sapilitang dinukot umano ng tatlong hindi pa kilalang suspek sakay ng isang Mitsubishi L300 FB na walang plaka noon Lunes ng madaling araw, July 29,2024 sa tapat ng 7-11 convenience store sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension Barangay Sto. Domingo ng Cainta Rizal.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Grace Frondozo, 29-anyos; at Ronnie Ignacio, 33, contractor at ahente ng lupa at residente ng Robinsons Homes, Barangay San Jose ng Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ini-report ng isang concerned citizen ang inabandonang sasakyang Nissan Juke SUV na kulay pearl white at may plakang NAD 7708 na pagmamay-ari ng mga biktima sa lugar ng Roblou Business Center sa Ortigas Extention ng Cainta Rizal 4:30 ng madaling araw subali't wala na ang mag-live in partner at nakita ang pagdukot sa dalawang biktima sa kuha ng CCTV malapit sa lugar ng insidente.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa negosyo ang nangyaring pagdukot at blangko pa hanggang sa ngayon ang kanilang mga kapamilya at mga kaanak sa kinaroonan ng maglive in partner na biktima.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment