Hawak na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na hackers na sangkot sa pag-hack sa website ng Commission on Election (Comelec) at Sky Cable.
Matapos ang ikinasang entrapment operation nitong Hulyo 9, 2024 sa Tagaytay City, Cavite naaresto ng NBI sina Eden Glenn Petilo, Carlo Reyna, John Kenneth Macarampat at Leonel Obina, na pawang miyembro ng Blood Security Hackers.
Ang operasyon ay nag-ugat dahil sa mga "unauthorized breaches" ng mga government websites.
Sa impormasyong natanggap ng NBI-CCD, may isang grupo na responsable sa mga cyber intrusions ng Comelec at Sky Cable Data ang iniaalok na ibenta.
Kaagad na umaksyon ang NBI-CCD at nagsagawa ng surveillance operation at nang makumpirma na ang mga suspek ay responsable sa pinakahuling cyber intrusions ay ikinasa ang entrapment operation.
Nakipagtransaksiyon ang NBI CCD para kunwari'y bilhin ang data breach ng Sky Cable na naglalaman ng impormasyon ng mga subscriber.
Noong Hulyo 9, 2024, ikinasa ng mga ahente ng NBI-CCD ang entrapment operation na nagresulta ng pagkakaaresto sa apat na hackers.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 26 paragraph (b) (Unauthorized processing of personal sensitive information) at Section 29 (Unauthorized Access or Intentional Breach) of the Data Privacy Act (R.A. No. 10173); Section 5 (b) (Attempt in the Commission of Cybercrime) at Section 4 (a) 1 (Access of the whole o any part of a computer system without right) of the Cybercrime Prevention Act (R.A. No. 10175).
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment