Posibleng gawing 'state witness' ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung ituturo nito ang 'utak' sa operasyon ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs)
"We wouldn't be open to that discussion unless we get higher on the food chain in relation to the crime that this group has committed," ani PAOCC spokesperson Winston Casio.
Sa ginanap na Saturday News Forum, sinabi ni Casio na maaari namang pag-aralan ang paglalagay kay Guo bilang state witness kung may sapat na basehan.
"If she appears to be the least guilty and she will be able to point at other principals higher than her, why not?" ani Casio.
Subalit ayon kay Casio, si Guo ay hindi maituturing na 'least guilty' sa mga sangkot sa ilegal POGOs.
Dagdag ng PAOCC, ang prosecutor din ang siyang mag e-evaluate kung dapat na gawing state witness si Guo at hindi ang PAOCC.
Sentro ng imbestigasyon si Guo dahil sa pagkakasangkot sa sinalakay na POGO sa Bamban gayundin ang kanyang identity.
Ngunit hindi pabor si Sen. Sherwin Gatchalian na gawing state witness si Guo. Sa halip nais nito na isiwalat ni Guo ang kanyang nalalaman upang mabawasan ang bigat ng kanyang kaso.
Nahaharap si Guo sa kasong qualified trafficking na non-bailable offense sa Department of Justice.
Maging ang Office of the Solicitor General ay nagsumite rin ng petisyon para sa kanselasyon ng birth certificate ni Guo.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment