Nadakip ang apat na Indian nationals nang dukutin ng mga ito ang apat nilang kababayan sa Las Piñas City noong Biyernes.
Kinilala ang mga biktima na sina alias Ven, 21; alias Vam, 21; alias Kal, 19 at alias Sai, 22, pawang mga Indian nationals at estudyante.
Nasa custody naman ng pulisya ang mga suspect na sina alias Ramanathan, 22; alias Devesh, 22; alias Sanjay, 22; alias Venkata, 21, pawang mga estudyante rin, nakatakas naman sina alias Shivarishi at alias Lmahen.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police Station, noong Mayo 24, 20224 nag-renta ang mga biktima ng Nissan Terra mula isa sa mga suspect na may-ari. Ngunit nasangkot umano sa aksidente ang naturang sasakyan sa Nasugbu, Batangas.
Dahilan upang humingi ang mga suspect ng halagang P700,000.00 mula sa mga biktima para sa danyos ng sasakyan.
Nabatid na ang naibigay lamang ng mga ito sa suspect na si Shivarishi P500,000.00.
Nang hindi umano nakabayad ang mga biktima sa kulang nilang P200,000.00, 8:00 ng gabi ay ikinulong sila ng mga suspect sa isang residential building sa Barangay Pamplona Tres.
Nakarating sa tanggapan ng Las Piñas City Police Station ang insidente at 10:30 ng gabi ng Biyernes, kaagad silang nagkasa ng rescue operation.
Dito nila na rescue ang mga biktima at nadakip naman ang mga suspect at ang dalawang kasamahan ng mga ito ay pinaghahanap pa.
Na-recover ng mga pulis ang isang puting Hyundai Accent, na may plakang DAC2660, bakal na dustpan at kahoy na walis na posibleng ginamit ng mga suspect sa pananakit sa mga biktima.
Nakuha rin sa mga suspect ang kinuha nilang ATM card mula sa mga biktima, Iphone 13 na nagkakahalaga ng P55,000.00.
Dinala ang mga biktima sa Las Pinas District Hospital para sa medical examination at inihahanda na ang kasong Serious Illegal Detention at Robbery laban sa mga suspect.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment