Sunud-sunod ang labas ng mga pelikula ni Robb Guinto dahil bukod sa "Kaulayaw" na streaming na sa July 16, 2024, showing naman sa cinemas sa August 7, 2024, ang rated R-16 Viva Films movie na "Unang Tikim. Kasama niya rito si Angeli Khang na tila susundan niyang magre-reyna sa VivaMax.
Maselan, pero nauuso ang tema ng "Kaulayaw" sa direction ni Iar Arondaing, kaya inilagay sa VivaMax. Kasama naman dito ni Robb si Micaella Raz na palaban din sa daring love scenes. Dala ng pangangailangan at kakapusan ng pera, sumabak sa online web show na gumagawa ng pornography sina Cara (Robb) at Ella (Micaella).
Game na game ang dalawa sa mga ipinagawa sa kanila ng kanilang director na inilatag muna ang mga kukunang eksena at nasa dalawang aktres na kung payag silang gawin o hindi. Mga wild acts at may threesome pa nga para lang matuwa ang viewers at patuloy silang panoorin.
Inamin nina Robb at Micaella na dumating sa buhay nila na nagipit sila , kinailangang ibenta ni Robb ang LV bag na pinaghirapan niyang mabili. Nang magkapera, hindi nito inuna ang luho, kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya.
Tinanong namin si Robb kung paano siya natulungan ng VivaMax na obviously, hindi siya nagsisi na kanyang pinasok.
"Ang laki nang naitulong ng VivaMax sa akin, nag-start na ang construction ng bahay na ipinapagawa ko. Nati-treat ko na rin ang family ko at nakakapunta na ako sa mga lugar na gusto kong puntahan," sagot ni Robb.
Tsinek namin ang Instagram ni Robb at may mga post siya ng mga bansa na kanyang napuntahan gaya ng Singapore, Thailand, at pati local tourist spots, napupuntahan na rin niya dahil na rin sa VivaMax.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment