Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang lahat ng bank accounts at iba pang mga ari-arian ng suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa pagkakasangkot diumano nito sa ilegal na POGO.
Sa 61-pahinang resolusyon na may petsang Hulyo 10, 2024, nakita ng CA na may probable cause ang petisyon na inihain ng AMLC para i-free sa loob ng 20 araw ang 90 bank accounts, 12 real estate property ni Guo, at 12 sasakyan, kabilang ang P60 bilyong helicopter umano ng alkalde at mga kasama nito sa negosyo.
Binanggit sa resolusyon ang mga real estate property na matatagpuan sa Las Piñas, Bulacan at Tarlac).
Kasama sa freeze order laban sa mga bank account ang mga business partner ni Guo sa Baofu Land Development Inc., Zun Yuan Technology Inc., at Hongsheng Gaming Technology Inc.
Ang Hongshend at Zun Yuan ay parehong POGO na nag-ooperate sa malaking compound na pag-aari ng Baofu sa isang property sa Bamban na nabenta ni Guo.
Sinalakay ng mga awtoridad ang Hongsheng noong 2023 at pinalitan ng Zun Yuan sa parehong lokasyon. Ipinasara ang Zuan noong 2024 dahil sa alegasyon ng human trafficking at serious illegal detention.
Sa mga frozen bank account, 36 ang nakapangalan kay Guo habang lima naman sa mga co-depositor nito.
Nakasaad sa Anti-Money Laundering Act of 2001 na pinapayagan ang CA na mag-isyu ng freeze order kapag naghain ang AMLC ng isang verified ex parte petition at kapag natukoy na may probable cause na nanatili sa anumang monetary instrument o property na may kinalaman sa ilegal na aktibidad.
Batay sa imbestigasyon ng AMLC, nagsimula umanong madagdagan ang cash flow at bilang ng mga transaksiyon sa mga bank account ni Guo simula noong 2014 at tumaas noong 2020 sa kabila ng COVID-pandemic na nagparalisa sa operasyon ng kanyang mga negosyo.
Nadiskubre ng mga imbestigador na nag-isyu si Guo ng tseke na nagkakahalaga ng P1.255 bilyon noong 2020, kung saan sa taong ding iyon sinimulan ang konstruksiyon ng POGO facility sa Bamban.
Si Guo ang nakalistang presidente ng Baufu na may 50 porsiyentong ownership ng kompanya hanggang 2021 nang ilipat ang kanyang share kay Jack L. Uy, na kalaunan ay inilipat naman kay Bernard Chua.
Samantala, si Chua ang kasalukuyang presidente ng Baofu batay sa 2024 general information sheet (GIS) ng kompanya na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Base pa sa imbestigasyon ng AMLC, si Guo pa rin ang may controlling interest sa Baofu sa kabila nang pagtangkang itago ang kanyang business interest sa kompanya.
Nakita rin ng mga imbestigador ang pangalan ni Guo bilang may-ari ng Baofu batay sa permit na inisyu ng pamahalaang lokal ng Bamban sa kompanya noong 2021 at 2022.
"Baofu is the lessor of Zun Yuan, an entity being charged for qualified human trafficking. This fact was declared by Baofu in its 2023 audited financial statements submitted to the SEC. Since Alice Guo owns 50 percent interest in Baofu, she effectively benefited from the proceeds of love scams, human trafficking and other illegal activities," sabi ng CA.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment