Ibinunyag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na may naaamoy siyang plano na kasuhan siya ng impeachment at siraan ang mga miyembro ng poll body
Ayon kay Garcia, ang impeachment complaint ay bunsod umano ng pagtanggap niya ng suhol sa mga dayuhang bangko, kabilang na sa South Korea, matapos ipagkaloob ng Comelec ang P18 bilyong kontrata sa Miru Systems Co para sa gagamiting automated election system (AES) sa 2025 midterm elections.
"Para sa kaalaman ng mga 'yan, ito po ay isang planado na operasyon, sunod-sunod po ito, series, madami po ito. Ang susunod po nito, sabihin ko na, 'yung individual members ng commission, ang mga commissioners ko naman ang may white paper," wika ni Garcia sa interview ng Radyo 630 nitong Huwebes.
"Ang kahulihan, fa-file-an kami lahat ng impeachment. Sasabihin ko na po pagka't na-decode ko na lahat nung pong nabanggit na po sakin lahat ng plano ng grupo sa likod nito," ani Garcia.
Nagpadala na ng liham si Garcia kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na siyasatin ang nasabing suhulan na itinuturing ng Comelec chief na walang katotohanan at walang basehan.
Hiniling din ng Comelec chief sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na siyasatin ang nasabing alegasyon, kasabay ng pag-iisyu niya ng waiver sa kanyang mga bank account.
Noong Martes, Hulyo 9, nagsagawa ng press conference si Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta at nilahad na tinatayang P120 milyon umano ang dineposito sa offshore account ng isang Comelec official na hindi niya pinangalanan.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment