Sa paglaban sa ilegal na sugal, nagsagawa ng operasyon ang Southern Police District (SPD ) na humantong sa pagkakaaresto sa labingwalong indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na larong baraha na "sakla" sa lungsod ng Makati.
Sa ulat na natanggap ni SPD Chief PBGen Leon Victor Rosete, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Roberto, card dealer, 52 years old, alyas Ronaldo, card dealer, 37 years old, Fe, maintainer, 66 years old, Erlinda, financier, 40 years old, Gabriel, card dealer, 38 years old , Ronald, bettor, 57 years old, Zenaida, bettor, 72 years old, Aurora, bettor, 53 years old, Wilberto, bettor, 45 years old, Moises, bettor, 54 years old, Dolores, bettor, 67 years old, Edgar , bettor, 59 years old, Oscar, spotter/gater, 44 years old, Maria, helper/maintenance, 38 years old, single, Lando, gater/maintenance, 55 years old, Garry, bettor, 46 years old, Freddie, bettor , 47 taong gulang, at alyas James, bettor, 24 taong gulang.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon, ganap na 1:00 AM ng Hulyo 12, 2024 (Biyernes ) sa panulukan ng Tengco Street at Hayes Street, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.
Ang joint anti-illegal gambling operation ay pinangunahan ng District Special Operations Unit-Southern Police District (DSOU-SPD), sa koordinasyon ng District Intelligence Division-Southern Police District (DID-SPD) at Sub Station 3 Makati City Police Station.
Nabatid sa ulat na nahuli ang mga suspek sa aktong naglalaro ng sakla, at narekober ang iba't ibang kagamitan sa pagsusugal, kabilang ang, isang set ng Spanish card na nakakabit sa isang kahoy na tabla na may mga numero mula 1 hanggang 9 (dehado) isang metal stand (pananda), isang booklet na may mga salitang "Entrada" at "Salida" (Bloc), isang deck ng baraha para sa paglalaro ng sakla, isang tela para sa deck ng mga baraha (tapete), apat na papel na baraha kasama ang mga piraso ng tile (koto), isang kahoy na kahon na naglalaman ng tatlong set ng card para sa paglalaro ng Sakla, isang yellow pad na nagpapahiwatig ng mga halaga para sa financier para sa bawat set ng laro (Tong) at taya ng pera na nagkakahalaga ng ?11,755.00.
Sinabi ni PBGen Rosete na ang SPD ay matatag sa pangako nitong puksain ang mga aktibidad ng ilegal na pagsusugal sa Southern Metro Manila.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa mga reklamo para sa paglabag sa Presidential Decree 1602, na nagpapataw ng mas mahigpit na parusa para sa ilegal na pagsusugal.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment