Mistulang nakahulagpos ang buong angkan ni Bamban Mayor Alice Guo matapos mabigo ang arresting team ng Office of the Sergeant-at-Arms na madakip sila sa kani-kanilang tahanan at pabrika.
Sa kanilang ulat kay Senate President Francis Escudero, sinabi ng kalatas ng OSAA na wala sa kanyang tahanan sa Bamban, Tarlac at sa ilang pabrika sa Marilao, Bulacan at Valenzuela City.
Hindi pa nakababalik si Guo sa kanyang tahanan sa Tarlac, ayon sa caretaker ng lugar.
Nabigong makapasok naman ang arresting team sa isang garment factory sa Valenzuela City na pawang tirahan ng kapatid ni Guo na sina Siemen, Sheila, at Wesley.
Nagtungo din ang arresting team sa isa pang garment factory sa Marilao ngunit nabigo silang matagpuan ang naturang magkakapatid.
Inihayag pa ni Senate Sergeant-at-Arms Roberto Ancan kay Escudero na nabigo din maaresto si Dennis Cunanan.
Naunang nadakip ng Senado si Nancy Gamo, accountant ni Guo na nasa kustodiya ng Senado.
Naunang ipinalabas ni Escudero ang arrest order laban sa alkalde at pitong indibiduwal dahil nabigo silang dumalo sa pagdinig ng Senado hinggil sa isinasagawang imbestigasyon sa POGO hub sa Bamban.
Sinabi naman ng abogado ni Guo, si Stephen David na wala silang nalalaman sa kahihinatnan ng hindi pagdalo sa pagdinig.
"Considering her physical and mental health condition and the trauma she [suffered] from so [much] massive cyber bullying and humiliation, she is not really capable of attending Senate hearings at the moment. Hopefully, when her condition [improves], we will see her again during hearings," ayon kay David.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment